Artikulo 1 (Nilaan na Layunin)
Inilalarawan ng mga tuntunin na ito ang mga itinakdang kondisyon ng Sharp Corporation (tinatawag dito na “ang Kompanya”) tungkol sa paggamit ng mga customer (tinatawag dito na “Mga User”) sa serbisyo sa impormasyon (tinatawag dito na “ang Serbisyo”) para sa support site ng serbisyong “J-STAY” smartphone rental ng Kompanya (tinatawag dito na “ang Site”).
Artikulo 2 (Pagsunod sa / Paglapat sa Mga Tuntunin)
- Sa bisa ng mga tuntunin na ito, ang User ay tumutukoy sa sinumang customer na gumagamit sa Serbisyo pagkaraang sumang-ayon sa mga tuntunin na inilarawan dito.
- Ituturing ang Mga User na nag-click sa button ng pagpayag na ipinapakita sa screen bilang pumayag sa mga tuntunin na ito.
- Pinanghahawakan ng Kompanya ang karapatan na baguhin ang mga tuntunin na ito sa anumang oras nang walang paunang abiso sa Mga User kung matukoy na kinakailangan ang mga pagbabagong iyon. Sa sandaling mailapat ang mga pagbabago, ipapatupad ang nai-update na mga tuntunin.
- Hinihingi sa Mga User na sumang-ayon sa mga tuntunin na ito upang magamit nila ang Serbisyo at, sa gayon ay, hindi masasabing hindi nalalaman ang o hindi sumang-ayon sa mga tuntunin na inilarawan dito.
Artikulo 3 (Probisyon, Terminasyon, Atbp. Ng Serbisyo)
- Hatid ng Serbisyo ang mga sumusunod:
Mga link papuntang Google Play, ang site sa pamamahagi ng application na pinatatakbo ng Google Inc., at papunta sa iba pang third-party na site, at impormasyon sa mga application (tinatawag dito bilang “Mga App”) na ipinamamahagi ng Google Play. (Ang impormasyon na bigay ng Kompanya sa pamamagitan ng Serbisyo ay sama-samang tinatawag na “Content”.)
- Responsibilidad ng Mga User ang lahat ng bayarin sa komunikasyon, atbp. Kapag ginagamit ang Serbisyo.
- Maaaring limitahan ng Kompanya ang mga uri ng device at mobile phone na makagagamit sa Serbisyo.
Dagdag pa, maaaring ipagbawal ng Kompanya ang ilang function kahit pa sa mga suportadong device/modelo.
- Pinanghahawakan ng Kompanya ang karapatan na baguhin, isuspindi, o kanselahin ang Serbisyo nang walang paunang abiso sa Mga User.
Walang paraang magagamit ang Mga User para tutulan ang mga pagbabago, pagsuspindi, o pagkansela sa Serbisyo, at pagbabawalan na maghabol sa Kompanya para sa anumang pagkasira na resulta na mga naturang desisyon.
Artikulo 4 (Mga Ipinagbabawal na Aksiyon ng User)
- Ipinagbabawal sa Mga User ang mga sumusunod na aksiyon habang ginagamit ang Serbisyo (kabilang na ang sa pamamagitan ng paggamit sa Mga App).
Dagdag pa rito, pinanghahawakan ng Kompanya ang karapatan na magsagawa ng mga nararapat na kilos kung mapagtanto nito na mayroon posibilidad na gawin ng Mga User ang mga sumusunod na aksiyon.
- Pag-iwas sa mga teknikal na limitasyon
- Paggamit, pagbigay, atbp. ng anumang program, atbp. na nag-aalis o humahadlang sa mga function (kabilang ang software at hardware) para sa ibang Mga User, sa Kompanya, o sa mga third party sa pamamagitan ng Serbisyo
- Mga aksiyon na nakasasama sa ibang Mga User, mga App developer, sa Kompanya, mga third party, o sa Serbisyo mismo
- Pakikialam sa Content
- Mga aksiyon na dinisenyo na gumawa ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng Serbisyo o kaugnay ng Serbisyo nang walang wastong pahintulot
- Mga aksiyon na lumalabag sa mga copyright o iba pang karapatan sa intellectual property ng iba pang Mga User, mga App developer, sa Kompanya, o mga third party
- Mga aksiyon na lumalabag sa anumang batas o regulasyon
- Mga aksiyon na salungat sa kaayusan ng publiko at moralidad, o mga pagkilos na nagbibigay ng impormasyon na salungat sa kaayusan ng publiko at moralidad
- Mga aksiyon na nakasisirang-puri, nakasisira ng pangalan, o kaya’y nakasasakit sa ibang Mga User, mga App developer, sa Kompanya, o mga third party
- Mga aksiyon na nakalalabag sa privacy ng ibang Mga User o mga third party
- Mga aksiyon na ang resulta ay pagkolekta o pag-ipon ng impormasyon gaya ng personal na impormasyon at impormasyon ng kasaysayan ng ibang Mga User nang walang pahintulot
- Mga aksiyon na lumalaba sa pag-aari ng ibang Mga User, mga App developer, sa Kompanya, o mga third party
- Mga aksiyon na kaugnay ng mga kampanya sa eleksiyon o mga halintulad na kilos
- Mga aksiyon na kriminal o kaugnay ng mga aksiyon na kriminal
- Mga aksiyon na kaugnay ng mga relihiyon, gaya ng pangangalap at aktibidad na pangmisyonaryo, atbp.
- Mga aksiyon na nagdi-disable o naghihinto sa paggana ng mga server o network ng Kompanya
- Mga aksiyon na nakikialam sa mga serbisyo o mga pinamamahaging advertisement at serbisyo ng Kompanya, at mga advertisement na ibinibigay sa website ng Kompanya
- Mga aksiyon na dinisenyo para sa mga layunin bukod sa layunin ng Serbisyo
- Mga aksiyon na gumagamit sa Serbisyo para direkta o hindi direktang magbigay ng pagkakakitaan sa mga pwersang kontra-lipunan
- Mga aksiyon ng o kaugnay ng pag-decompile, pag-disassemble, o pag-reverse engineer
- Mga aksiyon na nagsasalin ng mga karapatan at obligasyon kaugnay sa paggamit sa Serbisyo gaya ng pagkakalarawan sa mga tuntunin na ito sa isang third party, o pagbigay ng mga karapatan o obligasyon na iyon bilang collateral o bilang pamana
- Iba pang aksiyon na tinuturing nga Kompanya na di-angkop
Artikulo 5 (Paghawak sa Copyright)
- Ang mga copyright, tatak-pangkalakal, kahusayan, at iba pang karapatan sa intellectual property sa mga App na binibigay sa pamamagitan ng Google Play at ipinakilala sa pamamagitan ng Serbisyo ay pag-aari ng Google o ng hiwalay na App developer.
- Ipinagbabawal sa Mga User ang paggamit ng mga App nang higit sa personal na paggamit ng isang indibidwal ayon sa tinukoy ng batas sa copyright alinsunod sa mga kondisyon sa paggamit para sa mga App na ibinibigay sa pamamagitan ng Google Play maliban kung ito ay pinapahintulutan.
Artikulo 6 (Mga Responsibilidad ng User)
- Ang sinumang User ng Serbisyo na magdudulot sa Kompanya na dumanas ng mga pagkasira ay magbabayad ng mga pinsalang natamo ng Kompanya (kabilang ang iba't-ibang gastusin gaya ng bayarin sa abogado).
- Kung ang paggamit ng User sa Serbisyo ay magdudulot ng kapahamakan sa iba pang User, mga App developer, o mga third party, o magdudulot ng pagtatalo sa pagitan ng Mga User at iba pang User, mga App developer, o mga third party, ang resolusyon ay sasagutin ng mismong mga User ang mga gastusin at pananagutan.
Artikulo 7 (Di-pagkakabilang sa Pananagutan)
- Walang sasagutin ang Kompanya pagdating sa pagkakumpleto, katumpakan, pagkawasto, pagka-kapaki-pakinabang, pagka-akma sa partikular na layunin, o iba pang aspeto ng Content na hatid ng Serbisyo. Dagdag pa, hindi sasagutin ng Kompanya ang anumang bayad-pinsala na natamo ng Mga User o mga third party dahil sa Content.
- Hindi ginagarantiya ng Kompanya na ang Content at mga App na ipinakikilala sa pamamagitan ng Serbisyo ay walang palya o bug sa paggana o karapatan.
- Walang inaakong responsibilidad ang Kompanya pagdating sa mga alalahanin sa pagitan ng Mga User at iba pang Mga User, mga App developer, o mga third party. Sa naturang pagkakataon, magiging responsibilidad ng Mga User ang paglutas sa mga alalahanin nila sa sarili nilang gastos.
- Nagbibigay ang Kompanya ng mga link papuntang Google Play at iba pang mga site sa pamamagitan ng Serbisyo, pero walang inaakong responsibilidad ang Kompanya sa mga probisyon, content, atbp. ng mga application nma ibinibigay sa Google Play o mga third-party na site. Kaya, gagamitin ng Mga User ang Google Play at iba pang third-party na site sa sarili nilang kapahamakan.
- Hindi aakuin ng Kompanya ang anumang responsibilidad para sa mga problemang magbubuhat sa hindi pagsunod ng sinumang User sa mga probisyon ng Artikulo 4 (Mga Ipinagbabawal na Aksiyon ng User) o Artikulo 5 (Paghawak sa Copyright).
- Maaaring magbigay ang ilang App ng content na maituturing na malaswa, di-kaaya-aya, o may problema. Dahil nakukuha ang mga App batay sa pinili ng User, walang inaakong responsibilidad ang Kompanya para sa mga naturang App.
- Pinanghahawakan ng Kompanya ang karapatan na baguhin o tanggalin ang Content ayon sa kapasyahan nito na akma nang walang paunang abiso at walang pahintulot ng Mga User. Walang inaakong responsibilidad ang Kompanya para sa anumang problema o danyos na magbubuhat sa mga naturang pagbabago o pagtatanggal.
- Sa mga sitwasyon kung saan may pananagutang legal ang Kompanya para sa mga danyos, hindi aakuin ng Kompanya ang mga danyos na hihigit pa sa itinuturing na normal sa lipunan (ang tinatawag na “normal damages”) para sa hindi pagtupad sa isang obligasyon o para sa pagkakasala.
Artikulo 8 (Personal na Impormasyon)
Hindi magsisiwalat ang Kompanya ng personal na impormasyon (impormasyon na maagamit para tukuyin ang mga indibidwal) na nakuha sa pamamahala nito sa System—gaya ng sa pamamagitan ng mga tugon sa tanong mula sa Mga User, atbp.—sa isang third party nang walang pahintulot ng User. Gayunpaman, hindi ito nalalapat sa mga sumusunod na kaso.
- Kapag sumang-ayon ang isang User sa pagsisiwalat ng personal na impormasyon.
- Kapag hinihingi ng batas o sa pamamagitan ng naaayon sa batas na hiling ng ahensiya ng gobyerno ang pagsiwalat.
- Kapag napagtanto na kinakailangan ang pagsisiwalat sa isang subcontractor na may-hawak ng operasyon para maituloy ang operasyon.
Gayunpaman, tandaan na nagsasagawa ang Kompanya ng mga naaangkop na hakbang para matiyak na protektado ang personal na impormasyon ng Mga User kahit sa mga naturang sitwasyon at siyang mananagot para sa anumang subcontractor na gagamitin.
Artikulo 9 (Mga Batas at Hurisdiksyon na Mamamahala)
Pagdating sa pagtatag, bisa, pagkamagagamit, at pagsasalin sa mga katagang ito, nalalapat ang mga batas ng Japan sa lahat ng oras, at sasailalim ang anumang pagtatalo na magbubuhat sa mga tuntunin na ito sa hurisdiksyon ng mga hukuman ng Japan.